Monday, December 29, 2008

Valhalla's Simbang Gabi Event of 2008

May sariling schedule si Father Ignacio kaya naging flexible kami para sumilip every hour kung kailan siya mag hold ng mass for that day. Isang araw biglang tinopak at naging late si Father Ignacio after niyang mag skip ng 10th mass at diretsong 11th mass for almost 2 days. Pinabayaan namin eto dahil masyadong maaga sa schedule si Father kaya hinintay namin mag sabi na "Tomorrow would be the last day for the mass..." kaso ano ang nangyari today?

10:30pm, try ko kausapin si Father pero 11th mass parin daw. Gumala muna ako at bumalik sa kanya para i-check kung ano na status ng mass. Nagulat ako at sabi ni Father sa akin ay... Ngayun try ko sa kabilang character at ganun din ang sinabi. Maya-maya, may Vanguard dumating at try ayusin. Ang akala ko maayos to at magiging ok. Pero ano nangyari after ilang beses nag peek-a-boo si Father? Ngayun dumami ang tao at dinumog si Father na parang may People Power. Eto naman sinabi ni Father sa akin nung lumabas ulit siya. Mga ilang beses siya nawala at bumalik, eto ang nakukuha ko kay father. After na sumulpot yung last re-appearance ni Father, eto na ang pinakahihintay ko. "You're almost done. I'm looking forward to seeing you tomorrow.". After nito, nag login ako dun sa iba pang char na nakapag 11th mass, kaso nung kinausap ko si Father, parang di niya kilala.

Katulad ng iba, madami akong character nakompleto ang 11th mass pero dahil sa nangyari, dalawa na lang ang makakakuha ng cookie hat sa event. Yung ibang di sumipot for the previous days ng Simbang Gabi, nagkaroon ng chance na magkaroon dahil sa nangyari. Imagine mo na lang, may taong gagawa ng event na almost 2 weeks ang duration tapos sa huli, mayron din makakagawa ng event in just 40 minutes?

Oo, frustrated ako dahil may plano ako sa makukuhang cookie hats sa event kaso nasira lang dahil sa nangyaring last minute resolution.


Happy New Year na lang.

No comments: